Nakatanggap na ang Commission on Elections ng kabuuang 104 na petisyong humihiling na ideklara ang ilang mga aspirant para sa 2025 midterm elections bilang nuisance candidate.
Ayon sa clerk office ng poll body, nananatiling pending para sa pagsisiyasat ang lahat ng 104 na inihaing petisyon.
Ang komisyon din mismo ay nakapagtala ng 117 special action cases na humihiling din para ideklara ang isang aspirant bilang nuisance candidate na subject sa kanilang sariling imbestigasyon.
Maliban dito, mayroon ding 24 na special action cases na inihain para kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ng ilang aspirants at isang kaso para sa diskwalipikasyon.
Sa kabuuan, ayon sa poll body nasa 246 special action cases na ang kanilang natanggap may kaugnayan sa halalan sa susunod na taon.
Una na ngang nangako si Comelec chairman George Garcia na kanilang reresolbahin ang mga kaso may kaugnayan sa mga nuisance candidate sa katapusan ng Nobiyembre ng kasalukuyang taon.