Nakatakdang tumulak papuntang South Korea ang kabuuang 100 Pinoy caregivers upang magtrabaho sa naturang bansa sa ilalim ng Employment Permit System Pilot Project.
Ang mga ito ay ang unang batch ng mga Pinoy caregiver sa ilalim ng naturang programa.
Nanguna naman sina Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac at Korean Ambassador to the Philippines, Lee Sang-Hwa sa send-off ceremony para sa mga Pinoy workers.
Ang mga ito ang direktang magtatrabaho sa mga lisensyadong ahensiya sa SoKor na accredited din ng Korean Ministry of Employment and Labor.
Tiniyak din ni Sec. Cacdac ang maayos na trato sa mga mangagawang Pinoy, kasama na ang sapat na benepisyo at pantay na pagtrato mula sa mga ahensiya kung saan sila magtatrabaho at mula sa mga katrabaong Korean nationals.