-- Advertisements --

Nasa mahigit 100 katao ang inaresto ng mga kapulisan sa Kazakhstan dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta habang isinasagawa ang halalan.

Isinagawa ang halalan matapos ang pagbaba sa puwesto ng kanilang lider na si Nursultan Nazarbayev.

Napili ng 78 anyos na pangulo si Kassym Jomart-Tokayev bilang interim President.

Malaki rin ang tsansa ni Tokayev na manalo sa halalan.

Ayon sa mga protesters at mga opposition ay hindi patas ang isinasagawang halalan.

Ito na ang unang halalan na isinagawa sa bansa matapos ang 30 taon.