-- Advertisements --

Sinibak ng Italy, Denmark, Sweden, at Spain na pawang mga EU countries ang nasa kabuuang 73 Russian diplomats bilang pagkondena sa Kremlin.

Sinabi ni Spanish foreign minister Jose Manuel Albares na nasa 25 Russian diplomats at embassy staff ang kanyang pinatalsik dahil kumakatawan daw ang mga ito sa panganib at seguridad ng kanilang bansa.

Tatlong Russian diplomats naman ang nakatakdang sibakin ng Sweden dahil sa pabg eespiya daw ng mga ito sa kanilang bansa, ayon kay Foreign Minister Ann Linde.

Sa isang pahayag naman ay sinabi ni Foreign Minister of Italy na si Luigi Di Maio na ipinag-utos sa kanilang bansa ang expulsion ng nasa 30 Russian envoys for national security dahil kabilang daw ito sa kasunduan sa pagitan ng European at Atlantic partners, at mahalaga ito dahil nauugnay daw sa kanilang national security at sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ngayon ng Ukraine.

Nasa 15 intelligence officers naman ang tinanggal ng Denmark sa kadahilanang nag-eespiya naman daw sila sa kanilang Danish soil, ayon kay foreign minister Jeppe Kofod.

Samantala, magugunita na noong Lunes ay pinatalsik naman ng bansang France ang nasa 35 Russian diplomats, habang inihayag naman ng Germany na nagsibak din sila ng mga Russian envoys sa kanilang bansa.