-- Advertisements --

Iniulat ni Ukraine Commander-in-Chief Oleksandr Syrskyi kay Ukraine presidente Volodymyr Zelensky na nadakip ng kanilang pwersa ang mahigit 100 Russian troops nang wala pang isang araw nitong Agosto 14.

Ayon naman kay Zelensky, nagpapasalamat siya sa lahat ng kanilang sundalo na involved sa operasyon at sa pagsagip sa mga bihag ng Russia na magpapabilis sa pagbabalik ng mga prisoners of war na hawak ng Russia na makabalik sa kanilang mga bansa.

Sinabi naman ni Syrskyi na naka-abanse na ang Ukrainian forces mula sa 1 kilometer sa 2 kilometers sa iba’t ibang lugar mula madaling araw ng Miyerkules.

Matatandaan na inilunsad ng Ukraine military ang sorpresang cross-border incursion sa karatig na Kursk Oblast noong Agosto 6 at nakontrol ang 74 na settlements sa rehiyon noong Agosto 13 sa layuning maprotektahan ang kanilang mamamayan mula sa mga inilulunsad na strike ng Russia mula sa naturang rehiyon.