Tuluyan nang sinibak sa pwesto ang nasa 117 tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group.
Ito ay matapos na madagdagan pa ang bilang ng mga inilas sa puwesto mula sa dating 97 na mga tauhan ng nasabing hanay ng kapulisan.
Ayon kay PDEG Director PBGEN Faro Olaguera, nadagdagan pa ng 20 ang mga nasibak sa puwesto kabilang na ang 13 pulis na sinasabing may koneksyon sa isyu ng 990 kilog biggest drug haul, habang ang 7 naman ay dahil sa iba pang dahilan.
Aniya, ito ay bahagi ng pagsusumikap ng liderato ng PNP na linisin ang buong hanay ng kapulisan mula sa anumang bahid, at mantsa ng katiwalian.
Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon ay nasa mahigit 1000 mga tauhan na ng PDEF ang sumasalang na sa refresher course kasabay ng pagtitiyak na patuloy ang kanilang isinasagawang mahigpit na pagsasala sa kanilang mga tauhan.