Tumanggap ng pabahay ang mahigit 1,000 mga dating rebelde na unang sumuko sa gobyerno.
Ang mga ito ay sa ilalim ng housing project ng pamahaalan, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa DSWD, ang pagbibigay pabahay sa mga ito ay upang bigyan sila na makasama muli ang mga pamilya at simulan ang mas maayos na pamumuhay, kasabay ng pagbabalik sa komunidad.
Ang Philippine Army ang nagsilbing in-charge sa pagtatayo ng mga pabahay habang ang Department of Public Works and Highways naman ang nanguna sa konsrtuksyon ng mga kalsadang kumu-kunekta sa mga ito.
Ang mga lokal na pamahalaan naman ay nagbibigay ng mga multipurpose covered court habang ang DSWD ang siyang nagbibigay ng livelihood.
Ang naturang bilang ay mula pa noong 2017 kung saan sunod-sunod ang pagsuko ng mga rebelde na piniling talikuran ang dating pakikipaglaban.