Binigyang tulong pinansyal ng DSWD ang mahigit 1,000 na biktima ng scam hub na na-rescue ng Inter-Agency Council against Trafficking sa Mabalacat, Pampanga.
Nangyari ang nasabing operasyon noong Mayo 4 sa may Clark Sun Valley Hub Corporation.
Kabilang sa mga nasabing victim-survivors ay ang 129 na Pilipino samantalang ang iba pa au mga banyaga mula sa China, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Nepal, Taiwan, Thailand at Vietnam.
Matapos na marescue ay tinulungan ito ng mga social workers ng DSWD upang matukoy ang kinakailangang tulong.
Ang 60 na mga Pilipino ay nakatanggap ng P5,000 bawat isa samantalang ang ilan ay ina alam pa ang karampatang tulong na ibibigay.
Ang mga banyaga naman sa kabilang banda ay tinulungan ng Bureau of Immigration at DFA kasama ang DOH at International Organization for Migration.
Pansamantala silang nasa Tahanan ng Inyong Pag-Asa Center ng Inter-Agency Council against Trafficking at ang ila ay nasa kustodiya ng PNP-ACG doon sa Camp Crame, Quezon City.
Ang mga nasabing biktima ay handang magsampa ng formal complaint o maging testigo laban sa mga perpetrators.