-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipapamahagi sa Baguio City ang mahigit 1,000 na Parent Guidebook bilang bahagi ng programa ng DepEd Schools Division Office at Federation of Parents and Teachers Association (FPTA).

Ayon kay FPTA President Atty. Ronald Perez, house to house na ipapamahagi ang mga parent book.

Aniya, makakatulong ito sa pagtuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na ngayong isinasagawa ang distance learning gapu dahil sa pandemya.

Ipinaliwanag niyang hindi agad naimprinta ang mga kopya ng mga aklat dahil sa kakulangan ng pondo.

Gayunpaman, nagpasalamat ito sa pribadong sektor at mga institusyon na tumulong sa pagkakaroon ng pondo para sa printing ng mga Parent Guidebook.