-- Advertisements --

Aabot umano sa 1,026 sundalo ng Ukraine ang sumuko sa besieged city ng Mariupol ayon sa claims ng Russia.

Ang southern port ng Mariupol ay ilang linggo ng inaatake at pinaniniwalaang malapit ng bumagsak sa kamay ng Russia.

Ang grupo ng mga sundalo mula sa 36th Marine Brigade ay tinatayang sumuko na malapit sa Ilyich Iron and Steel Works of Mariupol (MMKI), ang ikalawang largest metallurgical enterprise sa Ukraine.

Subalit ayon kay Ukrainian defence ministry spokesperson Oleksandr Motuzyanyk wala pa silang impormasyon sa ngayon hinggil sa claims ng Russia.

Nauna na ring pinabulaanan at tinawag na fake news ng deputy mayor ng Mariupol ang isang post sa social media hinggil sa Ukrainian troops mula sa parehong brigade na nauubusan na umano ng ammunition at kapos ng suporta sa pagdepensa sa Mariupol.