Dalawang araw bago ang Araw ng Kalayaan, Siniguro ng Department of Labor and Employment ang sapat na iaalok na trabaho para sa mga Pilipinong manggagawa.
Ito ay kasabay ng patuloy na paghahanda paghahanda rito ng ahensya, kung saan bawat rehiyon ay naatasang magsagawa ng mga job fair para sa mga Pilipinong manggagawa na nais makahanap ng disenteng trabaho.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 106,298 ang kumpirmadong bakanteng lokal na trabaho na maaaring punan ng mga manggagawa.
Mayroon namang 1,000 employers mula sa ibayong dagat ang nangangailangan ng 5,165 na overseas Pinoy workers.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, tiyak na lalo pa itong madadagdagan habang papalapit ang Araw ng Kalayaan, kung kailan isasabay ang job fair.
Kabilang sa mga top vacancies ay ang production worker/operator, customer service representative, cashier, bagger, sales clerk, mga laborer, karpintero, service crew, cook, waiter atbp.
Pinayuhan naman ng kalihim ang mga nagnanais mag-apply na maghanda ng maraming mga application letter, at mga requirement, katulad ng diploma, transcript of records, government clearances, certificate of employment, atbp.