-- Advertisements --
Kinumpirma ng Supreme Court (SC) ang pakikibahagi ng 10,483 examinees para sa unang araw ng 2024 Bar Examinations.
Isinagawa ito sa mga piling paaralan bilang testing centers sa iba’t-ibang lugar sa bansa, nitong araw ng Linggo, Setyembre 8, 2024.
Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa 10,400 na kumuha ng Bar Examinations noong nakaraang taon.
Ayon sa mga opisyal ng korte, karaniwan na raw na mataas ang unang araw ng pagsusulit, ngunit bumababa ito hanggang sa matapos ang apat na linggo dahil sa iba’t-ibang rason.