-- Advertisements --

May kabuuang 108,633 indibidwal o 31,481 pamilya ang inilipat sa mga evacuation center matapos ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Sinabi ni Surigao del Sur PDRRMO head Alex Arana na 115 evacuation centers sa lalawigan ang naisaaktibo upang matugunan ang bilang ng mga lumikas na residente.

Aniya, 200,228 indibidwal o 57,893 pamilya na nasa 144 na barangay ang naapektuhan ng malakas na lindol.

Sinabi ni Arana na 115 na bahay sa Surigao del Sur ang totally damaged, habang 465 na bahay ang partially damaged.

Ang pag-aayos para sa naturang pinsala ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P46 milyon.

Tungkol naman sa pinsala sa imprastraktura at iba pang pasilidad ng gobyerno, sinabi niya na P15.2 milyon ang kakailanganin.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdating ng mga tulong mula sa iba’t-ibang ahensya para sa mga apektadong residente sa Surigao del Sur.