Nakahanda na ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang deployment kasabay ng pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan bukas, June 12.
Nakatakda kasing ideploy ang mahigit 11,000 na tauhan ng PNP at iba pang mga ahensya ng pamahalaan sa mga lansangan at iba pang pangunahing lugar upang magbantay sa kabuuan ng selebrasyon, at matiyak na maging mapayapa ang pagdiriwang.
Buong bansa aniya ay nakahanda ang mga local police sa kani-kanilang mga deployment plan.
Kasama naman ng PNP ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa pagbabantay.
Umaasa naman ang pulisya na magiging mapayapa ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, sa likod ng kabi-kabilaang mga nakahanay na aktibidad, lalo na sa Metro Manila.