-- Advertisements --

Nananatili pa rin ang mahigit 115,000 pamilya sa mga evacuation center sa 8 rehiyon kasabay ng pagsisimulang magrekober ng bansa mula sa mga serye ng malalakas na bagyong tumama sa bansa.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, patuloy ang paglalabas ng pamahalaan ng humanitarian assistance para sa mga apektadong residente.

Saad ng opisyal naipamahagi na ang nasa 400,000 family food packs na nagkakahalaga ng P125 million humanitarian assistance sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nika, Ofel at Pepito.

Mayroon ding 1.3 million family food packs (FFPs) ang naka-preposition sa mga warehouse.

Nangako din ang DSWD ng karagdagang 45,000 FFPs para sa probinsiya ng Catanduanes na matinding naapektuhan ng bagyong Pepito.