-- Advertisements --
Nasa mahigit 11,600 na mga korporasyon ang nanganganib na masuspendi ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa bigong pag-comply sa reportorial requirements.
Ayon sa SEC sa pagtatapos lamang ng Oktubre ay mayroong 11,677 na mga korporasyon ang bigong magsumite ng kanilang mga annual financial statements (AFS) at general Information sheet (GIS)sa loob ng walong taon o mula 2015 hanggang 2022.
Dagdag pa ng SEC na ang mga ito ay nasa evaluation para sa posibleng suspension ng kanilang certificate of incorporations.
Paliwanag ng SEC na ang bawat korporasyo, domestic o foreign man na nag-ooperate sa Pilipinas ay dapat na magsumite ng AF at GIS kabilang ang reportorial requirements kada taon o mga period kung saan sila nirequired.