-- Advertisements --
image 213

Inaasahang mapupuno ng maraming mga magagaling na atleta ang nakahanay sa Asian Games.

Ang naturang regional sports competition ay nakatakdang isagawa sa Hangzhou, China at magsisimula na sa Setyembre 23.

Batay sa inisyal na datus ng mga Organizers, mayroong kabuuang 12,417 na atleta ang nairehistro at inaasahang magtutungo sa naturang kompetisyon.

Ito ay mas mataas ng mahigit 1,400 na atleta kumpara sa mga dumalo noong ginanap ang Asian Games sa Tokyo, dalawang taon na ang nakakalipas, kung saan 11,000 na atleta lamang nuon.

Ang mataas na bilang ng mga atleta ay inaasahang mas mataas pa kaysa sa mga dadalo sa Olympics na nakatakdang isagawa sa Paris, sa 2024.