Mayroon ng mahigit 12,000 na mga dayuhang nagtatrabaho sa pinatigil na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nag-aplay ng pag-downgrade ng kanilang working visas.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, na nabigyan ang mga ito nitong Oktubre 15 para i-downgrade sa 9G visas patungong tourist visas.
Mayroon din silang hanggang sa katapusan ng taon para lisanin ang bansa.
Dagdag pa ni Sandoval na ang mga foreign workers na ang working visas ay downgraded na ay ibabalik sa pagiging temporary visitor status.
Nangangahulugan ito sa temporary visitors visa sa mga foreign nationals na dapat ay magligpit na lamang sila o mag-impake para umalis na sa bansa.
Magugunitang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tuluyan ng patigilin ang operasyon ng POGO dahil sa iniuugnay ang mga ito sa mga iba’t-ibang krimeng nagaganap sa bansa.