Aabot sa kabuuang 122 na mga barko ng China ang muling namataan ng Philippine Navy sa ilang features ng West Philippine Sea.
Ito ang iniulat ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commo. Roy Vincent Trinidad batay sa kanilang pinakahuling monitoring sa naturang pinag-aagawang karagatan.
Sa gitna ito ng ipinatutupad na fishing moratorium ban na ipinatupad ng China sa West Philippine Sea.
Aniya, mula noong Mayo 21 hanggang Mayo 27, 2024 ay mayroong namataang presensya ng Philippine Navy na aabot sa 34 na Chinese Maritime Militia vessels, isang CCG vessels, at isang People’s Liberation Army Navy ship sa Pag-asa Island.
Sinundan ito ng nasa 30 CMM vessels, apat PLAN ships, at dalawang CCG vessels sa Sabina shoal.
Nasa 17 CMM vessels, at limang CCG vessels sa Ayungin shoal.
Habang na-monitor din ang nasa 14 na mga CMM vessels, at limang CCG vessels sa Bajo de Masinloc shoal.
Bukod dito ay may namataan din na tig-dalawang barko ng CCG at CMM sa Patag Island, habang tatlong barko naman ng CMM sa Panata Islang, at tig-isang CMM vesse sa Kota at Lawak Island.
Kung maaalala, ang bilang ng mga barko ng China namataan sa WPS sa naturang petsa ay mas mababa naman mula 153 na mga Chinese vessels na-monitor sa ilang bahagi ng naturang pinag-aagawang teritoryo mula noong Mayo 14 hanggang Mayo 20, 2024.