-- Advertisements --

Nananatili pa ring lubog sa tubig-baha ang kabuuang 125 na lugar sa Bicol Region at Eastern Visayas kasunod ng mga malalakas na pag-ulan na naranasan ng mga ito sa mga nakalipas na linggo.

Ito ay batay na rin sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang ngayong araw.

Maraming mga brgy at komyunidad mula sa mga nabanggit na rehiyon ang ilang araw na ring binaba habang ilan sa mga populasyon ng mga ito ay nananatili sa mga evacuation center.

Gayonapaman, iniulat din ng konseho na humupa na ang mga pagbaha sa 248 na lugar mula sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Region 6, at ilang bahagi ng Bicol at Eastern Visayas Region.

Ayon sa NDRRMC, nakapaghatid na ang pamahalaan ng P68.8 million na tulong para sa mga residenteng nakaranas ng pagbaha at kinailangang ilikas.

Maalalang nitong kalagitnaan hanggang sa huling bahagi ng Nobiembre ay nagdulot ng mga pagbaha ang isang Low Pressure Area at Shearline na nagdala ng malalakas na pag-ulan sa loob ng ilang linggo.