Mahigit 120 katao ang nasawi sa tangkang pagtakas ng mga inmates sa pinakamalaking prison facilities sa Democratic Republic of Congo.
Ayon kay Interior Minister Jacquemain Shabani Lukoo Bihango na tinangka ng mga preso na tumakas sa Makala Central Prison sa Kinshasa.
Mayroong kabuuang 129 katao na ang nasawi kung saan 24 dito ay nasawi sa warning shots.
Karamihan sa mga biktima ay nasawi dahil sa pagsisiksikan at suffocation habang ang ibang mga babae ay ginahasa.
Nagtamo ng matinding pinsala ang prison facility dahil sa insidente.
Mayroong mahigit na 12,000 na preso ang nakapiit sa nasabing prison facility kung saan karamihan sa mga dito ay mga pretiral detainees.
Kinondina ni Justice Minister Constant Mutamba ang insidente at sinabing ito ay isang uri umano ng pananabotahe.