CAUAYAN CITY- Inaresto ang 122 wanted person na kinabibilangan ng 19 na Top Most Wanted Person, 30 lumabag sa mga special laws at 37 rebelde at tagasuporta sa isinagawang one-day regionwide simultaneous anti-criminality and law enforcement operations .
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa Police Regional Office 2 batay sa talaan ng Regional Operations Division lumalabas na mayroong isinagawang 4 anti-illegal drug operations at 3 drug personalities ang nadakip at nakumpiska ang mahigit 8 gramo ng shabu at 7.597 grams ng Marijuana.
Ayon sa PRO2 na nagkaroon din ng matagumpay na operasyon sa anti- illegal gambling na ikinadakip ng 23 bettors at mayroon ding 4 na hindi lisensyadong baril ang nakumpiska sa sampong police operations na isinagawa.
Matagumpay ding nasamsam ang 6 explosives o pampasabog at 23 firearms ang nasamsam din sa naturang operasyon.
Mayroon ding nakumpiska na 172 board feet ng mga iligal na pinutol na kahoy .
Sa nagpapatuloy naman na kampanya kontra insurhensiya o ang End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ay limang regular members ng New People’s Army, dalawang Communist Terrorist Group supporters at tatlong miyembro ng Militia ng Bayan ang nagbalik loob sa pamahalaan.