-- Advertisements --

Nasa mahigit 126,000 na bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong Pilipinas ang naitala ng Philippine Coast Guard sa unang araw ng taong 2024.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PCG, mula alas-12:00 ng hating gabi hanggang alas-12:00 ng tanghali ngayong araw, Enero 1, 2024, ay naitala ang kabuuang 126,316 na mga pasahero sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.

Mula sa naturang bilang ay nasa 68,319 ang pawang mga outbound passengers, habang nasa 57,997 naman ang mga inbound passengers.

Kaugnay nito ay nagsagawa rin ng pag-iinspeksyon ang nasa 5,522 na mga frontline personnel sa 15 PCG Districts sa 551 na mga barko, at 1,066 na mga motorbanca upang tiyakin pa rin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasaherong bumabiyahe ng tawid-dagat.

Samantala, sa Enero 3, 2023, araw ng Miyerkules naman ay nakatakdang magtapos ang ipinatutupad na heightened alert status ng PCG sa lahat ng mga district, stations, at sub-stations nito.