-- Advertisements --
image 782

Iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na umabot na sa kabuuang 128,912 yunit ng mga pampublikong sasakyan sa bansa ang napabilang sa listahan ng mga kwalipikadong mabibigyan ng fuel subsidy ng gobyerno.

Ayon sa ahensya, naipasa na nila ang listahan ng mga beneficiaries sa bangko ng gobyerno.

Sa pinakahuling datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, pumalo na sa titayang P840,612,500 ang halaga ng kanilang na disburse sa naturang bangko upang ipamahagi sa mga benepisyaryo ng programa .

Batay sa datos ng ahensya, aabot na sa 92,755 na mga benepisyaryo na ang nakatanggap ng fuel subsidy at ito ay katumbas naman ng P483,748,500 na halaga ng subsidy.

Siniguro naman ng LTFRB na magpapatuloy ang kanilang isasagawang pakikipag coordinate sa bangko ng gobyerno.

Ito’y upang maging tuloy-tuloy ang pamamahagi ng subsidiya sa mga qualified beneficiaries ng naturang Fuel Subsidy Program.