-- Advertisements --
Sasabak sa 2024 Bar Examinations ang kabuuang 12,186 na nakapagtapos ng abogasya.
Ang naturang exam ay nakatakda sa September 8, 11, at 15, 2024.
Ayon kay Associate Justice at 2024 Bar chairperson Mario Lopez, isinasapinal na ng Korte Suprema ang listahan ng mga local testing site sa maraming mga lugar sa bansa.
Kinabibilangan ito ng Manila, Muntinlupa, Pasay, Quezon, Taguig, Baguio, Naga, Cebu, Iloilo, Tacloban, Cagayan de Oro at Davao.
Pinaalalahanan din nito ang mga Bar takers na regular na tingnan o bisitahin ang Bar Applicant Registration Information System and Tech Assistance o BARISTA upang makita ang estado ng kanilang aplikasyon.
Noong nakalipas na taon ay umabot sa 10,387 ang mga kumuha ng Bar Exam.