Posibleng kakailanganin ng humigit-kumulang 13.6 million Filipinos na mag-relocate o lumipat ng tirahan dahil sa nagpapatuloy na banta ng Climate Change.
Batay sa pagtaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), posibleng hanggang 17% ng mga isla sa Pilipinas ay malulubog sa tubig-dagat hanggang sa taong 2100 dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng sea level.
Ayon kay DENR Undersecretary for finance, information systems and climate change Analiza Rebuelta-Teh, nanganganib na maaapektuhan sa naturang problema ang hanggang 64 na probinsya sa buong bansa.
Inihalimbawa rin ng opisyal ang lumabas na resulta ng 2023 World Risk Index kung saan isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming banta ng kalamidad.
Ayon sa DENR official, pare-pareho ang problema ng Pilipinas at mga developing countries, dahil na rin sa malawakang impact ng Climate Change.