-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit 13,800 na mga bata ang nasawi sa Gaza Strip mula ng magsimula ang giyera noong Oktubre 7.

Ayon kay United Nations Children’s Fund (UNICEF) Executive Director Catherine Russell. na ilang libong mga kabataan din ang nasugatan at marami rin ang nasa binggit ng kagutuman.

Sa ibang pahayag naman ng United Nations Entity for Gender Equality at Empowerment of Women na kada 10 minuto ay mayroong isang bata ang namamatay sa Gaza.

Mahigit 10,000 mga kababaihan ang nasawi na rin kung saan 6,000 sa mga ito ay iniwan o naulila ang nasa 19,000 na mga bata.