-- Advertisements --

Aabot mahigit 13,000 kapulisan ang ipapakalat ng Philippine National Police para sa pagbabantay sa inaabangang Traslacion 2024 o Pista ng Itim na Nazareno sa darating na Enero 9, 2023.

Ayon kay Philippine National Police chief PGen. Benjamin Acorda Jr., target nitong magdeploy ng nasa kabuuang 13,691 na mga pulis bilang paghahanda pa rin ito sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto sa naturang malaking aktibidad.

Mula sa naturang bilang ng mga pulis na target ideploy sa naturang malaking aktibdad ay aabot sa 5,602 na mga police officers ang ipapakalat para sa pagbabantay sa gagawing walk of faith o prusisyon mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Tinatayang aabot kasi sa 2.5 million na mga lokal at deboto ang inasaahang makikiisa sa pagdarao ng Pista ng Itim na Nazareno, na posible pa aniyang madagdagan pa.

Samantala, kaugnay nito ay patuloy naman ang pagpapaalala ng PNP sa publiko at mga deboto hinggil sa mga ipinagbabawal na dalhin sa kasagsagan ng nasabing aktibidad, kabilang na ang pagdadala ng mga backpaks sa mga itinalagang controlled ares, bullcaps, payong, water bottle, canistre, at iba pa.