-- Advertisements --

Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng nasa mahigit 13,000 na mga inbound travelers sa unang araw ng pagbubukas ng Pilipinas para sa mga fully vaccinated na mga banyaga mula sa ibang bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na halos bumalik na raw sa pre-pandemic visa policies ng kagawaran.

Sa pinakahuling datos kasi ay umabot na sa kabuuang 13,525 na mga indibidwal ang naitala ng BI na dumadating sa bansa, kung saan 90% dito ay naitala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Samantala, ang naturang bilang ay inaasahan pang madadagdagan sa mga susunod pang mga araw lalo na ngayong nagsimula ang summer season.

Una rito ay mas pinaluwag pa ng pamahalaan ang mga travel restrictions ngayong buwan matapos na alisin nito ang entry exemption document para sa mga dayuhan kapalit ng kondisyon na susunod sila sa applicable visa requirements, immigration entry at departure formalities.