-- Advertisements --

Nasa sumatutal na Php14,040,579.6 produksyon ng agrikultura ang napinsala sa ilang araw na masamang panahon sa rehiyon ng Caraga.

Ang mga lalawigan ng Agusan del Sur at Surigao del Sur ang mga pangunahing lalawigan na apektado ng delubyo sa agrikultura.

Aabot sa 1,154 ektaryang lawak ng taniman ang hindi na marerekober, ayon sa tala ng Department of Agriculture. Kaya naman, umaaray ang nasa 638 na magsasaka at mangingisda na apektado ng delubyo.

Ang Shear line, na salubungan ng mainit at malamig ng hangin ang nakakapagdala ng masamang panahon sa naturang rehiyon simula Enereo 16.