-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na ng kabuuang 1,477 kaso ng pertussis sa buong Pilipinas mula Elero 1 hanggang Abril 6 sa 63 pasilidad.

Ayon sa DOH, patuloy ang pagtaas ng mga kaso sa naturang sakit.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng ahensiya sa publiko sa nagoapatuloy na pagsisikap sa pagbabakuna kontra sa outbreak ng pertussis gayundin inaasahang dumating ang 3 million pentavalent o 5-in-1 vaccine doses sa Hunyo.

Binigyang diin naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang kahalagahan ng pagpapaibayo pa ng proseso ng pagtugon sa sakit gaya ng pag-adopt sa Framework Agreements para sa procurement ng bakuna para mas mabilis na mabili ito,

Habang inaantay naman ng DOH ang pagdating ng 3 million pentavalent vaccine doses, sinisikap na din ng ahensiya na makakuha ng Diphtheria, Pertussis, and Tetanus (DPT) doses para maibsan ang nakaambang kakapusan ng bakuna sa Mayo.

Pinapanatili din aniya ng pribadong sektor ang stocks ng pentavalent at TDaP vaccines sa mga PH market.

Sa kasalukuyan, nakakaranas ng patuloy na pagtaas ng kaso ng pertussis sa nakalipas na 5 na linggo ang Cagayan Valley, Central Luzon, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at Bicol Region