-- Advertisements --
Mayroong 144,131 na mga minors na may edad 15-17-anyos ang target sa pilot pediatric COVID vaccination sa Metro Manila.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay pawang mga mayroong comorbidities.
Nauna nang nagsimula ang phase 1 ng Pediatric Vaccination Pilot sa mga pagamutan na napili ng Department of Health noong Oktubre 15.
Habang isasagawa ang phase 2 ng nasabing programa mula Oktubre 22-31 sa mga LGU based hospital na mayroong 13 karagdagang pagamutan.
Ilan sa mga nadagdag na pagamutan ay ang Caloocan Medical Center, Ospital ng Paranaque, Pasay General Hospitals at iba pa.