-- Advertisements --
image 81

Matagumpay na nakumpiska ng Bureau of Customs ang aabot sa 14,950 reams ng pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo at isang unit ng truck na pinaglagyan nito.

Ito ay tinatayang may kabuuang halaga na aabot sa 7,825,000.00.

Ang naturang operasyon ay isinagawa sa Brgy. New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato.

Naging matagumpay ang isinasagawang operasyon sa pagtutulungan ng Bureau of Customs Intelligence Investigation Service at Enforcement Security Service.

Naging katuwang rin ang 1st Company South Cotabato Provincial Mobile Force, Provincial Intelligence Unit, at Tantangan Municipal Police Station.

Ang operasyong ito ay bilang bahagi pa rin ng programa ng ahensya na labanan ang ilegal smuggling sa kanilang lugar.

Kasunod nito ay kaagad itinurover ang nakumpiskang item sa BOC – PORT GENSAN.

Inirekumenda naman ang isang warrant of seizure and detention sa mga nakulimbat na kalakal.