-- Advertisements --

Mahigit 150 false killer whales ang na stranded sa isang isolated na dalampasigan sa Tasmania, Australia nitong Miyerkules, Pebrero 19.

Sa inisyal na ulat ng mga awtoridad natuklasan na 136 sa mga ito ang buhay pa.

Hindi pa sa ngayon tiyak ang dahilan ng pagka-stranded ng whale sa itinuturing na isolated island sa Australia.

Ang false killer whale ay isang endangered species na umaabot sa 6.1 metro ang haba at may bigat na hanggang 1,361 kg.

Kahawig ng mga ito ang killer whale at karaniwang matatagpuan sa mga tropical at subtropical ocean o sa malalalim na karagatan ayon sa U.S. National Oceanic and Atmospheric Administration.

Samantala patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagsuri ng mga natitirang buhay na false killer whale at kaukulang mga hakbangin upang mailigtas ang mga ito.