-- Advertisements --
Aabot na sa 150,000 na mga bata sa Gaza ang nabigyan ng ikalawang dose ng oral polio vaccine.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na sa loob ng dalawang araw na pagpapabakuna ay mayroong 156,943 na bata ang kanilang naturukan ng bakuna sa central Gaza.
Nagpapatuloy pa rin ang kanilang bakuhanan kung saan mayroong mahigit 128,121 na bata na rin ang nakatanggap ng vitamin A supplements.
Nagsimula ang bakunahan noong nakaarang buwan kung saan ang pangalawa ay hahatiin sa tatlong yugto.
Magugunitang nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng polio sa Gaza Strip matapos ang 25 taon.