-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection BFP- Butuan ang kabuuang danyos ng nangyaring sunog sa may Purok-7, Talisay, Barangay Ong Yiu nitong lungsod ng Butuan.

Nagsimula ang sunog bandang alas 3:00 ng hapon at hanggang sa ngayon ang inaapula pa ng mga bumbero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Butuan inihayag ni Ong Yiu Brgy Captain Wilbert Hijos na hindi bababa sa 150 kabahayan ang natupok ng apoy na nakaka-apekto sa 300 mga pamilya kungsaan inaasahan pang tumaas ang bilang dahil gawa sa light materials ang karamihan ng mga bahay sa nasabing lugar.

Pinaniniwalaang sa bahay umano ng isang naglulutong banana cue vendor nagsimula ang apoy.