Umabot na sa mahigit 150 reports hinggil sa vote-buying at abuse of state resources ang natanggap na ng Commission on Elections (COMELEC) at kasalukuyan nila itong iniimbestigahan.
Sinabi ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia, nasa siyam na mga kandidato na ang napadalhan ng show-cause orders. Lima mula sa national Kontra-Bigay Complaint Center, samantala, apat naman mula sa regional Kontra Bigay Center.
Pagtitiyak niya sa publiko na tinitignan nila nang mabuti ang mga ipinapadalang ebidensya sa kanila kung ito ba ay may sapat na dahilan na kasuhan ang isang kandidato. Aniya kasi may mga ipinapadala kasi sa kanilang mga complaints na hindi malinaw ang mga litrato o videos o di kaya’y wala naman talaga sa naturang pagtitipon ang inaakusahan na kandidato.