-- Advertisements --
PUJs

Muling binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 150 routes para sa mga traditional at modern passengers jeepneys.

Layon nito ay upang ma-maximize ang public transportation operations ngayong bumabalik na ang normalization matapos ang epekto ng Covid-19 pandemic.

Base sa resolusyon na nilagdaan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) head Riza Marie Paches, lahat ng public utility jeepney (PUJ) pandemic routes sa National Capital Region kabilang na ang mga direct routes mula at patungo sa probinsiya ng Bulacan at Rizal ay muling buksan epektibo Disyembre 26.

Malaki ang maitutulong nito sa milyon-milyong mga estudyante at manggagawa na bumabalik na sa kanilang pag-aaral at trabaho sa susunod na taon.

Gayunpaman kasama sa resolusyon ang pagbabago sa mga ruta bago ang pandemya upang hindi isama ang EDSA sa mga regular na ruta ng jeepney.

Kung maaalala, iniuulat araw-araw ang matinding traffic jam sa kahabaan ng EDSA at sinabi ng mga overseer na ang mga problema sa trapiko ay lumalala sa mga bahagi ng EDSA kung saan dumadaan ang mga pampasaherong jeepney.