-- Advertisements --

Mahigit 150 UN members ang bumoto na pabor sa isang resolusyon na humihiling ng isang agarang humanitarian ceasefire sa Gaza.

Sinabi rin ni US President Joe Biden na ang Israel ay nagsisimula nang mawalan ng suporta sa buong mundo dahil sa “indiscriminate bombing” nito sa Gaza.

Ipinagpatuloy kasi ng Israel ang pambobomba nito sa Gaza, na ang pangunahing pokus ay sa Khan Younis sa timog na bahagi ng lugar.

Dagdag dito, nagkaroon din ng labanan sa Rafah malapit sa hangganan o border ng Egypt.

Sa kabilang banda, sinabi ng isang opisyal ng WHO na ang sistema ng kalusugan sa Gaza ay mula sa 36 na ospital ay naging 11 lamang sa loob lamang ng 66 na araw.

Sa kasalukuyan, mas tumitindi na kasi ang labanan sa pagitan ng ISrael at ng militanteng grupo ng Hamas.