-- Advertisements --
Mayroon ng mahigit 1, 500 na mga Palestino ang nasawi mula dahil sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Gaza.
Ayon kay Munir al-Bursh, ang director-general ng Health Ministry sa Gaza, na ang nasabing bilang ay sa loob lamang ng isang buwan.
Itinuturing pa nila ito bilang isang massacre dahil sa tinatarget nila ang mga sibliyan sa northern Gaza.
Una ng nanawagan ang maraming bansa na dapat tumugon na ang Israel at Hamas sa ceasefire para tuluyan ng matigil ang kaguluhan.