-- Advertisements --
image 472

Ayon kay DSWD Assistant Bureau Director Miramel Laxa, sa datos ngayong araw aabot sa 32,661 mga pamilya o 151,462 indibidwal ang apektdo mula sa tumagas na langis dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress.

Ang mga populasyon na apektado ay lumawak pa sa 131 mga barangay sa Oriental Mindoro, Palawan at mga probinsiya sa Antique.

Kaugnay nito, naglaan ang DSWD ng pondo na nagkakahalaga ng P116 million para sa mahigit 18,000 mangingisda na apektado na nakapag-avail ng cash-for-work program ng ahensiya.

Ito ay kasunod ng pagpapalawig pa ng naturang programa hanggang sa buwan ng Mayo na layong mabigyan ang mga mangingisda ng alternatibong kabuhayan habang pinagbawalan ang mga ito na pumalaot sa mga apektadong karagatan dahil sa oil spill.

Sa ilalim ng naturang programa, masasahuran ang mga benepisyaryo ng P355 na katumbas ng kanilang arawang minimum wage o sahod sa rehiyon.

Ang pangunahing trabaho ng mga manggagawa sa programa ay mga aktibidad na may kinalaman sa pag-contain ng tumagas na langis.