-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 16,000 ang nagboluntaryo umanong na maging human guinea pigs na siyang gagawing experiments sa mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

mORRISON 1
Josh Morrison

Mula nang ilunsad ng dating New York corporate lawyer Josh Morrison ang One Day Sooner Website ay mahigit na 16,000 ang nagboluntaryo na tumayong experiment ng mga eksperto.

Nagpahayag din ng interest ang US vaccine developer na Moderna sa nasabing plano ni Morrison at pinag-aaralan na rin ng World Health Organization at US National Institute of Health ang nasabing hakbang.

Tinatawag na challenge studies ito kung saan sinusubukan ng immune system ang pathogen.

Ayon naman kay Rutgers University bioethicist Nir Eyal, na ang trials ay ibibigay sa nasa 100 mas bata at malusog na volunteers at ito ay maaaring gawin kapag ang bakuna ay may katiyakan na sa pagpapagaling.

Hindi rin nito iminumungkahi ang pagbabayad sa mga volunteers subalit ito ay maaaring makasira sa tiwala ng publiko at baka lalong ang mahikayat ang mga hirap sa buhay.

VACCINE VOLUNTEER