-- Advertisements --
BAGYONG KARDING PANTALAN STRANDED

Umabot na sa mahigit 160,000 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong na monitor ng Philippine Coast Guard sa lahat ng mga pantalan sa iba’t-ibang panig ng ating bansa.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng coast guard, mula alas-12:00 ng hating gabi hanggang hanggang alas-12:00 ng hapon ngayong araw ay pumalo na sa kabuuang 167,163 ang bilang ng mga biyaherong kanilang naitala sa mga pantalan.

Mula sa naturang bilang ay nasa 86,865 na mga outbound passengers na kanilang naitala, habang nasa 80,298 na ang mga inbound passengers na kanilang nabilang sa lahat ng mga pantalan sa buong Pilipinas.

Samantala, sa ilalim naman ng OPLAN Biyaheng Ayos: BSKE & Undas 2023 naman ay nasa 676 na mga vessel at 976 na mga motor banca na ang nainspeksyon ng nasa kabuuang 6,280 na mga front line personnel sa 15 PCG districts sa buong bansa.

Gayunpaman, patuloy pa ring inaasahan ang pagbabago sa bilang ng mga datos na ito ngayong long weekend.