-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umabot na sa mahigit 1,600 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela matapos na maitala ngayong araw ang 186 na panibagong kaso.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakamarami pa rin ang lunsod ng Santiago na may 41, sumunod ang Ilagan City 24, Cauayan City na 16, tig-labing isa sa San Mateo at Jones, tig-walo sa Quirino at Gamu, 7 sa Echague, tig-aanim sa Angadanan, San Isidro at Mallig, lima sa Ramon, tig-aapat sa Cabatuan, Cordon, Delfin Albano at Alicia, tig-tatatlo sa Aurora, Quezon at Roxas, tig-dadalawa sa Naguilian, Palanan at San Manuel habang tig-iisa sa Burgos, Cabagan, Reina Mercedes, San Mariano, San Pablo at Tumauini.

Sa ngayon ay umabot na sa 8,777 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, 6,967 ang gumaling, 1,622 ang aktibong kaso at 188 ang nasawi.

Sa mga aktibong kaso ay pito ang locally stranded individuals, 168 ang Health Workers, apatnapu’t dalawa ang pulis at 1,405 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.