Nakolekta na ang kabuuang 161,612 litro ng langis sa 4 na araw na isinagawang siphoning operation sa lumubog na MT Terranova sa Bataan.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nakolekta ang libu-libong litro ng langis mula Agosto 19 hanggang Agosto 22.
Bagamat hindi aniya naabot ang arawang target ng salvor na volume o dami ng nakolektang langis nitong Huwebes.
Ayon sa PCG, target ng salvor na makakolekta ng 200,000 litro kada araw mula ng ilunsad ang full blast siphoning operation noong Miyerkules kung saan aabutin ng 2 linggo para makumpleto ang pagsipsip ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil na karga ng MT Terranova kapag maabot ang itinakdang target ng salvor kada araw.
Nakatakda namang dumating nitong weekend ang karagdagang booster pumps para mapabilis pa ang ginagawang siphoning operation.