Inaasahang mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang nasa mahigit 160,000 manggagawa mula sa pinaplanong pagtatatag ng Philippine Heart Center (PHC) annex sa Clark Freeport sa Pampanga ayon sa Clark Development Corporation (CDC).
Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 19 na nagmamandato para sa paglikha ng nasabing center.
Ayon kay CDC President at Chief Executive Officer Agnes Devanadera, na isang perfect venue ang Clark para sa pagbibigay ng accessible at de kalidad na healthcare services sa mga mamamayan ng Central at Northern Luzon at makakapagligtas ng mas maraming buhay kabilang na ang pagbibigay ng trabaho sa mahigit 160,000 manggagawa sa Clark.
Ayon sa CDC, posibleng itayo ang PHC sa 5.7 ektarya lupain sa loob ng freeport.
Base sa Eo ang pagpopondo para sa PHC ay magmumula sa Department of Health gayundin ang aprubadong pondo para sa center.