Binigyang diin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpapatuloy ang pagbibigay ng cash payout para sa mga pamilyang naapektuhan ng baha na dala ng shear line sa Davao Region.
Ayon sa DSWD, nasa 1,680 pamilya sa Carmen, Davao del Norte, ang nakatanggap ng kanilang cash aid sa ilalim ng Emergency Cash Transfer program nitong Miyerkules.
Ang patuloy na pagbibigay ng cash aid ay bahagi ng pangako ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magbigay ng lahat ng uri ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sama ng panahon upang maibalik ang kanilang normal na pamumuhay.
Ayon kay DSWD Asec. Romel Lopez, magsisimula na ang DSWD sa pamamahagi ng cash aid matapos matanggap ng mga pamilya ang kanilang preliminary food aid.
Ang bawat apektadong pamilya ay tumanggap ng P9,960, sa kabuuang P16,790,000, na ipinamahagi ng ahensya.
Namahagi din ang DSWD ng parehong halaga sa 500 pamilya sa Braulio E. Dujali, Davao Del Norte.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang assessment ng DSWD upang matulungan ang lahat ng mga apektadong pamilya.