DAVAO CITY – Nagsagawa kaagad ang municipal government sa Santo Tomas, Davao Del Norte ng rescue at relief operations sa ilang mga lugar sa nasabing lalawigan matapos ang naranasang malakas na pag-ulan dulot ng localized thunderstorm na siyang dahilan na muling binaha ang mga barangay kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday kahapon.
Sa huling bilang, nasa 17,766 na mga indibidwal ang apektado sa walong mga barangays na kinabibilangan ng Kinamayan, San Miguel, Casig-ang, New Katipunan, Talomo, Lunga-og, Kinamon at Bobongon.
Agad naman na pinadala sa lugar ang mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Responder Ni Tomas, Municipal Engineer’s Office (MEO), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para pangunahan ang disaster response efforts sa mga flood-stricken communities.
Inaalam pa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Sto Tomas ang kabuuang pinsala sa agrikultura at hanapbuhay ng mga residente sa nasabing lugar.
Maliban sa mga ilog na umapaw, ang maraming basura na karamihan ay mga plastics, botelya ug mga naputol na mga kahoy ang siyang dahilan naman ng pagkabara sa mga irrigation canals sa mga apektadong barangay.