Aabot sa mahigit 17,000 Grade 11 students mula sa iba’t-ibang mga state at local universities, and colleges ang pinangangambahang maaapektuhan ng pagpapatigil sa senior high school progam sa susunod na taon.
Ito ay matapos ang ipinag-utos ng Commission on Higher Education na pag-aalis na SHS program sa ilang mga paaralan sa susunod na school year.
Sa datos na inilabas ng Department of Education, mula sa kabuuang 2.1 million Grade 11 students ang enrolled ngayong school, kung saan mula rito ay nasa 17,751 na mga Grade 11 students ang naka-enrol naman sa mga state universities and colleges, at local universities and colleges.
Paliwanag ni DepEd Usec. Michael Poa, mayroong dalawang opsyon ang mga maaapektuhan ng naturang kautusan tulad na lamang ng pag-eenroll sa mga public o private schools kung saan maaari silang makapag-avail ng kanilang mga voucher program.
Samantala, nilinaw naman ni Poa na hindi maaapektuhan ang mga benepisyaryo ng voucher programs sa paghinto ng SHS program sapagkat wala aniyang incoming Grade 11 students ang tinanggap sa SUCs at LUCs bago pa man magsimula ang school year.