-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinalakas pa sa Cotabato Province ang school based immunization program.

Itoy kampanya ng pamahalaan at sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), City Health Office at Rural Health Units dagdag na 17,902 na mga mag-aaral sa Cotabato Province ang nagpabakuna sa kakatapos pa lamang na school-based immunization program.

Sinabi ni National Immunization Program Coordinator Joanna May Aranas ng Integrated Provincial Health Office (IPHO-Cotabato), ang n aktibidad ay isinagawa sa lahat ng pampublikong paaralan na pinangasiwaan ng IPHO kasama ang mga nabanggit na partner agencies bilang bahagi ng pinalakas na programa sa pagtiyak ng kalusugan ng mga madg-aaral.

Ito ay hakbang ng gobyerno at ng DEped upang mabigyan ng proteksyon ang lahat ng mga mag-aaral. Sa ngayon, mas pina-igting pa ng IPHO ang kampanya ng bakunahan sa ibat- ibang lugar ng lalawigan sa lahat ng kategorya.